14-anyos na Grade 7 student, ginahasa ng kanyang manliligaw na construction worker sa Brgy. Old Quezon City. Umamin ang suspek sa nagawang krimen: “Naisip ko talaga ‘yun na gagalawin ko talaga siya.” @gmanews@UnangHirit
LOOK: Simula ngayong araw ay cashless transaction na ang ipapatupad sa EDSA carousel buses. Beep cards ang gagamitin ng mga pasahero. Buong detalye sa @UnangHirit! @gmanews
Bulkang Taal, patuloy na naglalabas ng makapal na puting usok. Ayon sa Taal Volcano Observatory, nagpatuloy ang gas upwelling sa buong magdamag. Umabot sa 2100 metro ang taas ng naibugang plume kaninang 5AM. @gmanews
Ano ang paborito nyong prutas? Mura ang kada kilo ng papaya at mangga dahil marami ang supply ayon sa mga tindero. Ang presyo nyan at iba pang prutas sa LIVE report sa @UnangHirit! @gmanews
Mapanghing bahagi ng Aurora Blvd. corner Annapolis St. sa Cubao, Quezon City, binugahan ng tubig ng QC Task Force for Transport and Traffic Management. @gmanews@dzbb
6:34AM nang buksan ulit ang Maginhawa Community Pantry Quezon City matapos itong magsara kahapon dahil sa umano’y red tagging sa organizer and volunteers nito. @gmanews
LOOK: 54 temporary shelter, itinayo sa covered court ng Brgy. Bagong Silangan sa Quezon City para sa mga evacuees. Ayon sa opisyal ng barangay, prayoridad ang mga residente na nasira ang mga bahay. @gmanews@dzbb@UnangHirit
Mga pasahero, sa tamang sakayan at babaan na naghihintay ng masasakyang bus, jeep at UV Express dahil may operasyon ngayong umaga ang QC Task Force for Transport and Traffic Management sa Commonwealth Avenue sa area ng Doña Carmen. @gmanews
MRT-3 Rehabilitation Project, nagsimula na kahapon. Hindi lang riles at mga bagon ang isasaayos maging ang mga MRT stations, elevator, escalator at buong sistema. LIVE report sa @UnangHirit! @gmanews
Puspusan na ang paghahanda sa Antipolo Cathedral o National Shrine of Our Lady of Peace and Good Voyage para sa global prayer marathon mamayang 6PM. Ang Antipolo Cathedral ang napili ni Pope Francis sa bansa na manguna sa pagdarasal ng Santo Rosario. @gmanews
LOOK: 30 checkpoints, inilatag sa iba’t ibang bahagi ng Quezon City ngayong isinailalim ulit sa ECQ ang Metro Manila. Sa Welcome Rotonda na boundary ng QC at Maynila, chinecheck na ulit bawat sasakyang dumaraan. Hinahanapan ng ID ang mga sakay. @gmanews
Bakas sa mga mata ni Lilibeth Valdez ang kasiyahan habang nagseselfie ang pamangkin noong Lunes ng tanghali. Hindi lubos akalain ng mga kaanak na ito na ang huling larawan na makikita nilang buhay si Lilibeth. Kinagabihan, binaril siya sa leeg ng kapitbahay na pulis. @gmanews
JUST IN: QCPD, pinangalanan na ang pulis na nasa likod ng pagmasaker sa 3 miyembro ng pamilya Ado sa Brgy. Bagong Pagasa kagabi. Ang suspek ay si PO3 Jerry Antonio, nakatalaga sa TMU ng Caloocan Police. @gmanews@dzbb
Checkpoint sa Marcos Highway papasok sa Cainta, Rizal. Ang mga health worker, naipapatupad ang social distancing habang kinukuha ang temperature ng mga pumapasok sa Cainta. @gmanews@dzbb
3:36AM nang maramdaman nanaman ang pagyanig sa Porac, Pampanga. Kaninang 2AM ay lumindol kaya pansamantalang itinigil ang search and rescue operation sa gumuhong supermarket. @gmanews@dzbb@UnangHirit
Malakas na buhos ng ulan, ilang minuto nang nararanasan sa ilang bahagi ng Quezon City; Mga sasakyan sa EDSA southbound, nagmenor na. May mga motorcycle riders din na sumilong na muna. @gmanews@dzbb@UnangHirit
JUST IN: Matapos ang apat na oras, nahanap ang 4yo na batang babae sa nasunog na bahay. “Himala” kung ituring ito ng mga kaanak dahil maging sila ay hindi makapaniwala kung paano nakaligtas ang bata. @gmanews@UnangHirit@dzbb
Mahigit 5,000 residente, lumikas sa Malanday Elementary School sa Marikina. Isa lamang ang eskwelahan sa 21 evacuation centers sa lungsod. 50 modular tents, itinayo sa covered court pero karamihan sa mga evacuee ay siksikan sa mga classroom. @gmanews@dzbb
JUST IN: 2 pulis ng QCPD DSOU ang namatay sa nangyari umanong engkwentro sa pagitan ng mga pulis at PDEA sa Commonwealth Avenue Quezon City; Team leader ng DSOU, isinugod sa ospital matapos masugatan. @gmanews
LOOK: Marami pa ring pasahero ang stranded sa E. Rodriguez Avenue Quezon City dahil sa baha na dulot ng pag-ulan kaninang madaling araw. @gmanews@dzbb@UnangHirit
PNP chief General Guillermo Eleazar, nagtungo sa Camp Karingal sa Quezon City. Pulis na bumaril sa 52yo na babae sa Fairview kagabi, sasampahan ng kasong murder. Ipinag-utos din ni Eleazar na kasuhan ng administratibo ang suspect para matanggal sa serbisyo. @gmanews
JUST IN: 3 lalaking nangholdap sa mga pasahero ng UV Express sa Novaliches, patay nang makaengkwentro ng mga pulis sa Brgy. Gulod Quezon City. @gmanews@dzbb
Mahigit 50 vendors ng karneng baboy at manok, nagkaisa na hindi na muna magtitinda sa Kamuning Market Quezon City. Ikalawang araw nang walang mabili na sariwang karneng baboy at manok. @gmanews
Tumatakbo sa pagka-alkalde sa Quezon City na si Cong. Bingbong Crisologo at anak na si Atty. Edrix, inaresto dahil umano sa obstruction of justice sa operasyon ng pulisya kontra vote buying sa Brgy. Bahay Toro Quezon City. @gmanews@dzbb@UnangHirit
Tindero ng balot na ilang buwan pa lang nakakalaya dahil sa kasong may kinalaman sa droga, patay nang pagbabarilin sa Brgy. Pinyahan Quezon City. @gmanews
Mayor Joy Belmonte, nag-iikot sa ilang evacuation center para alamin ang kalagayan ng mga evacuee. Umaapela siya sa mga residente na huwag munang babalik sa kani-kanilang mga bahay habang walang abiso ang QC DRRMO. #KardingPH@gmanews
MORE: Bawat temporary shelter ay may dalawang pinto, dalawang bintana at kasya ang dalawa hanggang apat na pamilya depende kung gaano karami ang miyembro. @gmanews@dzbb@UnangHirit
Tutok lang mga Kapuso sa @UnangHirit! LIVE report para sa presyo ng mga pangunahing bilihin sa Kamuning Market sa Quezon City. Ilang gulay, bumaba ang presyo! @gmanews
MRT-3, balik-operasyon na ngayong araw matapos ang Holy Week maintenance shutdown. Mas maayos na biyahe at serbisyo asahan daw ayon sa pamunuan ng MRT. Buong detalye sa @UnangHirit! @gmanews@dzbb
UPDATE: 30 pamilya, apektado ng sunog sa 13th Avenue Cubao Quezon City ayon sa BFP. 6 na paupahang bahay, tinupok ng apoy. Naapula ang sunog bandang 2:17AM @gmanews@dzbb
LOOK: Imahen ng Itim na Nazareno, nasa Quirino Grandstand na.
Ayon sa ilang Hijos del Nazareno, 10.30PM pa noong Sabado ng gabi ibiniyahe ang imahen mula sa Quiapo Church patungong Quirino Grandstand. @dzbb@gmanews
Pasado 3AM pa lang kanina ay may pila na sa Maginhawa Community Pantry sa Quezon City. Nag-anunsyo ang organizer na hindi magbubukas ang pantry ngayong araw dahil sa umano’y red tagging. @gmanews
Nasa pitong talampakang sawa, natagpuan ng mga residente na gumagapang mula sa creek sa Brgy. Batasan Hills Quezon City. Buong detalye sa @UnangHirit! @gmanews@dzbb
JUST IN: Bulkang Taal, nagkaroon ng maliit na phreatomagmatic eruption kaninang 5:18AM. Umabot ito ng 300 meters mula sa crater ayon sa Taal Volcano Observatory. @gmanews@dzbb
Maagang pumila ang mga residente ng Brgy. Batasan Hills na kukuha ng ayuda ngayong araw sa Quezon City University. Panay paalala ng mga taga-baranagay na sundin ang physical distancing. @gmanews
Mga mababakunahan sa Sucat covered court sa Muntinlupa, maaaring manalo ng bigas. Inilunsad ng barangay ang “bigas sa bakuna raffle promo.” Kada linggo, 20 ang mananalo ng tig-25 kilos ng bigas. @gmanews
11PM pa lang kagabi may mga nakapila na sa labas ng COMELEC office sa Quezon City para magparehistro sa #Eleksyon2022. Karamihan ay first time voters na ilang beses na raw inabutan ng cutoff kaya mas inagahan nila ang pagpunta. @gmanews
JUST IN: Mag-asawa, sugatan matapos bumaliktad ang sinasakyan nilang AUV sa Commonwealth Avenue Quezon City. Tumakas ang nakabanggang truck. @gmanews@dzbb@UnangHirit
MORE: Tradisyunal na “salubong” ng mga imahen ng Mahal na Birheng Maria at Hesukristo sa Sto. Domingo Church sa Quezon City ngayong Easter Sunday. @gmanews@dzbb
Mga pampasaherong bus na kung saan-saan na lang nagsasakay at nagbababa ng mga pasahero sa Quirino Highway sa Fairview, Quezon City, pinagsisita ng QC Task Force for Transport and Traffic Management. LIVE update sa @UnangHirit! @gmanews@dzbb
JUST IN: Mag-in live in partner, patay nang barilin sa ulo sa Bagong Silang north Caloocan. Sinira pa ng mga salarin ang pintuan ng bahay para makapasok. Inaalam ang motibo sa krimen. @gmanews
JUST IN: 3 warehouse, nasunog sa Brgy. Potrero Malabon ayon sa BFP. Nagsimula ang sunog sa warehouse ng mga piano at gitara. Kumalat ito sa warehouse ng hand soap at mga surplus appliances. @gmanews@dzbb